Ina,Mama,Nanay, Mommy, Mom, or simply “Ma” kahit ano pa ang itawag mo alam nating lahat na sadyang mahalaga siya para sa atin, Sino nga ba ang hindi mahal ang kanyang ina? sa loob ng 9 na buwan tayo ay kanyang inalagaan, matinding kalbaryo ang kanyang pinagdaanan upang tayo ay kanyang mabuhay at maihanda sa mundong makasalanan.
hindi ko mawari ang aking mundo kung wala ang aking mama di man ako ganoong kasweet o kaPDA pagdating sa pagpapakita sa kanya na mahal ko siya ” still,I’m doing best to make her realize how thankful i am that she is my mother and i know deep inside she knows that i love her more than i love myself”.Sa buhay ko maraming beses na akong naligaw at nadapa pero iisang tao lang ang nagtatayo sa akin upang sabihing “anak kaya mo yan” ilang utos niya narin ang aking sinuway at ilang ulit ko naring sinabi sa aking sarili ” oo nga tama pala si mama”.
Walang katumbas ang pagiging ina, kahit ibigay mo pa ang lahat ng yaman hindi ito matatakpan ang halaga ng isang “Ina”. Hindi ito itinakdang mission para sa kanila. Hindi rin ito isang propesyon o trabaho na laging may inaasahang kapalit. Hindi ito tulad ng isang pera na kung saan mahalaga nga ngunit di mo naman madadala hanggang libingan.
Ang pagiging ina ay hindi mo madedescribe sa simpleng salita dahil hindi naging simple ang pagiging ina marahil lagi nilang katumbas ang salitang “sacrifice” isang sakripisyo ang magluwal ng isang buhay sa mundong walang kasiguraduhan. sakripisyo dahil sakripisyo ang mag aruga ng isang buhay na laging mayroong pangangailangan. Sa tanan ng buhay natin hindi mo siguro mabibilang ang palo na natamo natin mula sa kanilang mga kamay, at sa mga pagpalong ito dito naten unang nalaman ang tama sa mali at ang dapat sa hindi dapat.
Alam nating mabilis ang daloy ng panahon miski sino ay apektado nito alam naman natin na ang lahat ng bagay ay may hangganan ngunit nais kong ibahin ang pagmamahal ng Ina SINO BA ANG UNANG YUMAYAKAP SA ATIN SA TUWING TAYO AY NaTATAKOT? sino ba ang unang nagtatanggol sa atin sa tuwing tayo ay naapi? sino ang unang umalalay sa atin sa pagbibisikleta? sino ang unang pumalo sa atin kapag tayo ay nagkakamali?.
Kung kaya ng Mama kong buhayin ako kahit ano pa man siya ngayon hindi ako matatakot sabihin sa kanya at sa lahat na mahal ko siya dahil sa kabila ng lahat ng kaguluhan sa ating mundo nagawa niya parin akong protektahan at mahubog sa kung ano man ako ngayon. kahit di man ako artista alam kong siya ang #1 fan ko. Kahit matapos man ang mothers day di ako titigil iparamdam sa kanya na mahal ko siya.


